Tuesday, September 18, 2007

Hello? Fourth year??

Kasi naman 'di ba nasa fourth year na tayo. 'Yung requirements na kelangan i-submit e pang-first year lang. Bakit ang dami pa din nagtetext? Nag-send ka na nga ng form through e-mail, 'yung iba gusto pa through SMS. Dalawang forms na nga lang ang kailangan, dinagdagan ko pa ng dalawa. Aba, may humihirit pa, pahinigi na din daw ng ganitong form. Pambihira talaga kayo o. Tsk, tsk.

O baka mamaya may magpa-print pa.

Simula ngayon, susubukan kong maging madamot.

Pumasok ang gustong pumasok. Magpasa ng requirements ang gustong magpasa. Kung hindi mo alam ang gagawin mo, 'wag mong gawin. Simple.

Kung mababasa mo 'to ngayon at makikita mo ko mamaya. Mas mabuting huwag ka na lang magsalita. Mainit ang ulo ko.

Kasi naman 1:00 am na ako nakauwi kanina. Tinawagan ako ni Raquel at tinanong kung gusto ko daw sumama kumain ng chicken feet. Syempre sumama ako, chicken feet kaya 'yun (kapag natikman mo 'yung chicken feet na 'yun, malilimutan mo 'yung pangalan mo, seryoso). Kaya pagkatapos ng 3:00 pm - 11:00 pm shift namin, e dumeretso pa ko sa bahay nina Raquel. Kaya lang pagdating namin wala na, sarado na 'yung bilihan. Kaya valenciana na lang ang pinagtripan namin.

Thank you nga pala, Raquel, Mark, at Ate She para sa pinakamaagang breakfast na na-experience ko: 12:00 mn. Valenciana, pan de sal, liver spread, beef steak at kape.

At kay Mang Mike nga pala, kasi bukas 'yung kainan niya 24 hours.

Natutulog pa ako manggigising na kayo.

Hay life, parang buhay.

10 comments:

Maria said...

ang bait bait mo naman kc, tsk tsk..

wag gnyan bka kunin ka ni lord hehe,

sarap naman ng food, naiinggit ako, kso tama bng ipagcombine ang kape, beefsteak, valenciana.. tamang food trip.

leeflailmarch said...

Ano ang Valenciana at ano ang Chicken Feet??? Curious ako... Malilimutan ko name ko talaga???

:P

Hay. Student nurse life. Nakakasira ng friendship, they say. Totoo naman kasi I've proven it. Pero it's still up to you. Sabi din kasi, your true character comes out when under pressure and under stress.

Meryl Ann Dulce said...

@ Icka: Hehe. Hindi ko alam kung tamang i-combine pero hindi naman sumakit 'yung tiyan ko. Hehe.


@ Myk: Sa Gen. Trias lang yata may Valenciana. Hehe. Paano ko ba idedescribe 'yun? Kanin 'yung valenciana, kanin na kulay orange! Haha! Parang local Java rice. ;P Tapos 'dun sa palengke, may kainan na bukas ng 24 hours, ayun dun kami bumili nun. Masarap 'yun promise. Tapos mamimili ka ng toppings ng valenciana (menudo, mechado, afritada, chicken).

Ang chicken feet naman, sa tagalog ay paa ng manok. ;P Masarap din 'yun.

Ang hirap pala mag-describe ng pagkain, kelangan talaga natitikman.

At oo, malilimutan mo talaga name mo! Seryoso. ;P

Anonymous said...

hav u tried chicken skin?

he he. astig yun, baka pati edad mo makalimutan mo.. ;)

leeflailmarch said...

Loko ka ah. Parang di ko alam na pag Finilipino ang "chicken feet" ay "paa ng manok". Tgshk! *Suntok sa mata*

Joke... :P

Meryl Ann Dulce said...

@MYK: Hahaha! Basta 'yung ckicken feet para siyang inadobo, ganun 'yung itsura niya, tapos masarap talaga. ;P

@KINGDADDYRICH: Fried chicken skin? Hehe. Natikman ko na din, at oo, nalimutan ko edad ko nung natikman ko 'yun. Hehehe. ;P

Meryl Ann Dulce said...

Hmm. Mali naman e. "LOKA ka ha." Remember, babae atashi. ;P

At madami na nga palang nasirang friendship sa section namin pero not course-related. Usually dahil sa chismax. Labo, no? Pero 'yun talaga ang reason.

Tapos hindi naman mainit ang ulo ko kahapon nung pumasok ako, wala naman akong naaway, thank God. Sinabihan ko lang 'yung isa kong ka-group na, "Ikaw talaga ang major stressor ko. Nakakaloka ka. Hindi ka na nakakatuwa." Pero, pabiro lang syempre. ;P

Duroy said...

Ate, saturated ka lang masyado, try to relax! :D

Valeciana, Di ba yun yung kaning malagkit na nilalagyan ng food coloring tapos may kasamang mga karne saka gulay na sahog? All in one meal hehehe:D

Anonymous said...

anu bang klaseng chicken feet yan? matikman nga....hehehe. I love spicy chicken feet...yung sa dimsum.....yummm!!!

Meryl Ann Dulce said...

@DUROY: Hoy, ilang taon ka na? Don't call me Ate. Hehehe. Bakit alam mo 'yung valenciana? Hehehehe. Ang galing ah.

@ REIGH: Hindi spicy 'yun. Lasang adobo. Hehe.

Hindi pa din ako nakakapag-bloghop. Sa weekends na lang siguro. Sumasaglit lang ako sa mga blogs na nag-leave ng messase sa tagboard ko. No time to read pa. ;P