Please visit my friend's Multiply site:
Happy birthday bukas, Kulot. ;P
---
Hell week. Kasi this week naka-schedule ang section namin for Revalida / Return Demonstration. Ako, sa Friday pa (ayos sana kasi wala akong pasok from Monday to Thursday kaya lang, swerte talaga kasi hindi pinalampas ng mahal naming Level Head Adviser ang araw na pwede kami mag-duty, kaya may pasok pa din kami ng Monday at Tuesday). Sa dami ng kasamang procedures, kalokohang ma-memorize ko ang mga 'yun. Hindi ko makita ang rationale kung bakit kelangan habang ginagawa mo yung procedures eh sinasabi mo pa yung gagawin mo. Kapag nasa ospital ka na at mag-a-assist ka sa operasyon, at kailangan mong mag-scrub, sasabihin mo pa ba ang,
"Take note of the time you started scrubbing. Wet hands and forearms using foot or knee control. Apply antiseptic from dispenser to hands. Blah."Hay. Bahala na si Batman. Heto 'yung ilang procedures na kasama. Syempre lahat kelangan aralin pero dalawa lang ang gagawin mo talaga. Swerte ka kapag nabunot mo eh 'yung hindi mo naaral o nabasa man lang. Hah. At merong mga CI (clinical instrucor) na hindi mo lang masabi ang isang salita ay mamarkahan niyang "not done" ang step na 'yun. Heto 'yung ilan sa mga procedures na kasama:
- Enema
- Catheterization
- IV Therapy
- Oxygen Therapy
- Gastric Gavage / Lavage
- IV / Oral Medication
- Bed Making
- Surgical Scrubbing
- Surgical Gowning
- Open and Closed Gloving Technique
- Instrument Identification
- Serving of Gown and Gloves
- Bag Technique
- IMCI
- Leopold's Maneuver
- Vaginal Delivery
- Newborn Care
22 days to go. ;p
3 comments:
Ha, may Hell Week rin pala kayo... hehehe. Akala ko sa Alma Mater ko lang...
Wow. Bakit ganun? Dapat hindi ganun. Anyhoo, God bless! Kaya mo 'yan if you prepare well...
@ DUROY: I call it as I see it. Wala na sigurong mas appropriate na tawag dun. ;P Medyo magulo yung message mo sa tagboard ah. "Eto, lasing dahil sa puyat." O baka naman puyat dahil nalasing? Wehehehehe. Anyway. Inom lang. ;P
@ MYK: What do you mean, "Bakit ganun? dapat hindi ganun?"
"... if you prepare well." Ouch-ness naman. Hindi pa nga ako nakakapagbasa eh. Bukas na lang. ;P
Post a Comment