Saturday, October 13, 2007

Ay nako, stress.

Pwede ba? Mahirap bang intindihin? Ha? Islow-ness. Kasi nga hindi pwede magkita-kita lahat bukas kasi sina Paw at Yas may make-up duty from 7:00 am to 3:00 pm. Pagkatapos naman ng duty, susunduin ni Paw ang lola niya sa airport. Si Yas may lakad din. Ako, pupunta ko ng Imus kasi nga ipapa-check-up 'yung lolo ko (matigas kasi ulo nun, ayaw pa-check-up kaya pupwersahin namin siya bukas). Si Rianne pupunta ng Taguig, may aasikasuhin din. Sira na ang weekend ko dahil dyan sa case presentation na yan (Octoberfest kaya)! Friday pa lang wala nang pasok, eh di sana nun pa tayo nagkita. Bukas Sunday na! Monday ang presentation. Hay, life.

Bukas sa make-up duty, doon na lang kukuha ng pwedeng i-present. Kung madaming itanong sa Monday, hayaan niyo sila. Kasalanan naman nila 'yun, ilang days lang bago tayo na-inform, at wala na tayong naka-schedulae na duty, saan naman tayo kukuha ng case? Kuhanan ng picture ang chart, i-send through MMS sa akin. At ako na bahala i-send sa mga e-mails niyo. Kung hindi makakalusot ang picture, kopyahin na lang lahat!

Kapag na-type niyo na 'yung mga naka-assign sa inyo, send niyo sa e-mail ko at kay Xiao. Ako na bahala mag-ayos ng written output, si Xiao naman sa Powerpoint. Maliwanag?! Mga anak kayo... ng nanay niyo. ;p Imbyerna.

Define stress: Jon-Jon. Period.

9 comments:

Anonymous said...

sino si jon jon? kwawa naman

he he..

wag masyado ma stress,, nakakabaog raw un eh

;)

Meryl Ann Dulce said...

Groupmate ko. Ang hirap kasi paliwanagan. Hahaha. Ewan ko ba dun.

Nakakabaog ang stress? Pwede i-elaborate? Hahaha!

Adik ka. :P

leeflailmarch said...

Define natotoxic na martyr: Meryl. Period. :P

I so can relate. Reading through the lines, pareho tayo (observation lang ha). Feeling ko kasi 'yung pagka-stress na nakukuha ko sa pagpasan ng heavier burdens ng NCS is just a small price to pay to ensure the quality of the output. Siguro ganun talaga 'pag OC. Seriously. Kami ni Mhe ganun eh. Okay lang na slightly martyr when it comes to projects, basta we're sure of the outcome na maganda because it went through our hands.

(Todo explain talaga ako...)


And panalo ang picture-an ng chart pages! Gawain din namin 'yan kasi nakakahiya naman na ang tagal-tagal mong hawak ang chart dahil manual copying ang ginagawa mo, 'di ba? ;P

Meryl Ann Dulce said...

MERYL'S DICTIONARY

Super defensive na OC:
(Human) John Michael E. Faller, RN, OC

Bwahahaha!

I volunteered na ako ang mag-ayos kasi gusto ko okay 'yung layout and all. Hehehe. Kaya lang imbyernaloo na naman ang lola mo kasi forever siya naghintay bago ma-send sa e-mail niya lahat ng files.

Oh well.

leeflailmarch said...

:P

Hope it all went okay. :D

Maria said...

saklap naman ng dictionary mo,

stress=jon-jon

haha.

can relate.ganyan tlga ang struggles sa case pres, nangunguna ang mga pasaway

Meryl Ann Dulce said...

@ MYK: Hehehe. Oo, it went okay. Thank God. Finals naman. Woohoo! Ang saya saya. Feeling ko kailangan ko na bumili nung eye cream (nalimutan ko 'yung brand). Hehehe. Nakita ko lang sa commercial. Eyebags. (-_-)

@ ICKA: Hahaha. 'Yun lang. :P

leeflailmarch said...

Napaka-meaningful ng response mo sa komento ni Icka, ha. Observation lang muli. Bwahaha! Wala lang... Pwedeng 'wag ka na mag-respond dito. Hehe.

Meryl Ann Dulce said...

@ MYK: Sige, hindi na ko magre-respond. :P