Sunday, January 06, 2008

Bluer than blue.

Bago na 'yung kulay ng room ko. Or should I say bagong shade ng blue? Haha. Well, bagong pinta siya pero blue pa din.

Dati kasi, ang shade niya ay katulad ng page background ng blog ko. Ngayon, kakulay na siya ng main background. Malayo naman 'yung diperensya niya. Mas bading 'yung kulay niya ngayon.

Photobucket


Na-discover ko na nga pala ang trace ng pagka-adik ko. Sa father's side ko nakuha 'yun. Daddy ko kasi ang nagtimpla ng kulay ng kwarto ko, tapos nilagay niya sa isang lalagyan syempre 'yung natirang pintura. Sinulatan niya 'yun. Nilagay niya:

Arlene's Room BLUEPUFF
Hahaha. Nagulat nga ako nung pinakita niya 'yung lalagyan. Sabi niya nandoon nga daw 'yung pintura ko baka kasi magasgas ko 'yung pader. Ilang araw pa lang kasi pagkatapos pinturahan 'yung kwarto ko, nagasgas na agad. Hehe. Tinanong ko kung ano ba 'yung "bluepuff" at bakit may ganoon pa. Sabi niya 'yun daw 'yung pangalan nung paint. Haha. Next time na lang ulit 'yung picture nung lalagyan ng pintura. :D

10 comments:

Anonymous said...

i want to have a room
na painted ng
black and red
:)

Anonymous said...

wowowie, ganda ng color ng room!!! nakakaganda! nyahahaha

Meryl Ann Dulce said...

@XIENAHGIRL: Gusto ko nga din sana black kaya lang ayaw ng daddy ko. Haha. :)

@REIGH: Nakakaganda? Hahaha! :D Pakilala mo naman ako kay Riza Santos ng PBB, type ko siya. Hahaha. :D

leeflailmarch said...

LOL. Kumusta naman ang purely black, Meryl? Hahaha! Nakakatakot yata 'yun ah. Parang hindi nakakagaan ng loob makita na itim pa rin ang paligid mo when you've awaken from a nightmare...

Ako I want green. Pero may texture, hindi smooth na green. 'Yung parang ini-sponge rollers, like 'yung rollers na binebenta dati sa Home TV shopping. :P

Meryl Ann Dulce said...

Ay, onga noh. Hindi ko naman kasi naisip 'yung nightmares. Hehe. Gusto ko dark lang talaga para kahit maliwanag na sa labas, madilim pa din sa room ko para conducive for sleeping. Haha.

Hindi smooth tingnan o hindi smooth hipuin? Haha. Parang ang weird pakinggan nung question ko. Kapag gusto mo hindi smooth tingnan 'yung pagka-paint niya, may old-fashioned way para gawin 'yun using a basahan, oo 'yung basahan. Haha. Nakita ko siyang ginagawa sa isang bahay dati. Pinipinturahan muna ng base na paint, either cream or white, tapos basahan na 'yung ginagamit. At inexplain ko talaga dito. Naisip ko kasing baka maisipan mong gawin after reading that recycled paper thingy.

leeflailmarch said...

The former: hindi smooth tingnan. Wow, pwede palang basahan. I wanna re-decorate my room kasi, to make it really scream MYK! :) Pero mahal ang pintura eh. Would you happen to know how much ang isang good quality paint tub? And ilan magagamit sa isang room? :D May base paint na 'to na white, although makintab siya, which is weird, kasi wood paint ata ginamit dito (dunno if that's supposed to make a difference).

Mariano said...

Astig ang kulay, bagay na bagay sa kwarto mo. Ako nga eh walang kwarto eh, hehe. Sa salas lang ako. Maliwanag naman ang salas at gustuhin ko mang palitan ang kulay niya, wala akong magagawa. Buong salas ang papalitan ko ng kulay.

Meryl Ann Dulce said...

@MYK: Oo, iba ang wood paint sa concrete paint. Kasi naalala ko noong nag-paint ang daddy-yo ko ng kwarto, sabi ko pintahan niya na din 'yung parang shelf sa kwarto ko na made of wood at pati 'yung ceiling (na kahoy din). Sabi niya, 'wag na lang, ok pa naman, bibili pa ulit ako ng ibang pintura.

Hmm. Itatanong ko sa aking ama kung gaano kalaking paint tub ba ang ginamit niya sa room ko at kung anong tatak at kung magkano. Gusto mo papuntahin ko na lang siya d'yan at pinturahan niya 'yung kwarto mo? Hehe. Alam ko corny. :D

Ika'y sesendan ko na lang ng mensahe sa iyong cbox kapag naitanong ko na. Wala siya dito sa bahay ngayon eh. :D

@MARIANO: Uulitin ko, "para kang isang babaeng nagpapakipot sa manliligaw."

Seryoso ka ba d'yan? Haha. Pwede namang padilimin sa pamamagitan ng kurtina. Hehe. :D

leeflailmarch said...

Hahaha. Salamat. Magandang ideya na siya na lang ang papuntahin dito upang magpinta...ngunit nakakahiya. Ahohohoho! :P Chige, talamat!!! Ahohohoho!

Meryl Ann Dulce said...

Ahohoho! Hanggang ngayon hindi ko pa siya natatanong. Naku, makakalimutin na talaga ako. Tulog na si erpats eh.

Kapag nabasa mo 'to, Myk, itext mo ako at ipaalala mo sa akin. Mas maganda kung bukas ng tanghali para gising na ako. Hehe.