Friday, January 11, 2008

Exes, lanak.

(I bet Myk's gonna react about my title again.)

Aking pipiliting huwag paghaluin ang tagalog at ingles dahil bading na bading ako pakinggan. Bading na nga ako, bading pa ko pakinggan. Napaka-redundant ko.

Dapat kasi talaga tungkol sa kaarawan ng aking kaibigang si Papa JP (nasanay na kasi akong Papa JP ang tawag sa kanya) ito kaya lang mas lumamang 'yung ibang mga nangyari kagabi kaya 'eto na lang 'yung pamagat. Bakit ba ako nagpapaliwanag?

Nauna kami ni Ariane dumating sa bahay ni Papa JP pero hindi pa kami pumasok sa loob, tumigil muna kami sa sasakyan niya habang hinihintay 'yung iba naming mga kaibigan, malapit na mag-isang oras kami naghintay. Hmpft. Pero masaya naman kasi nakapagkwentuhan kami tungkol sa mga kamalditahang ginawa nila sa duty, naalala niyo pa, magkagrupo sila ni Xiao ngayong linggong ito.

Dumating na 'yung mga kaibigan naming lalaki at pumasok na kami sa loob ng bahay nina Papa JP, kumain kami tapos sabay alis. Haha. Umalis kami kasi nalimutan ng mga lalaki magdala ng speakers para sa iPod, eh nangako daw silang magdadala sila kaya umalis ulit kami, gamit ang sasakyan ni Ariane pero si Zep na ang nagmaneho. Niloloko nga nila na wala pang gasgas ang sasakyan ni Ariane kaya gagasgasan daw nila. Ginamit nila ang salitang "masilya" na hindi alam ni Ariane kung ano. Sabi niya sa akin, "Ok lang may masilya kung kakulay naman ‘yun ng sasakyan. Ano bang kulay nun?" Sabi ko, "Loka, white ang masilya, tapos papapinturahan mo para pumantay ‘yung kulay." Haha. Tsaka lang siya nagalit sa mga kaibigan naming lalaki pagkatapos niyang malaman 'yun. Tuwing may dadaanang masikip, sisigaw 'yung mga lalaki ng "masilya, masilya." Haha.

Nahihirapan ako, balik na tayo sa usual manner ko ng pagkukwento.

At bumalik na nga kami kina JP, nakaupo na kaming lahat. Nagkukwentuhan kami ng kung anu-ano, mga updates sa buhay namin. Madami kaming napagkwentuhan kasi ngayon na lang ulit kami nagkasama-sama. Nasa ibang mga schools na kasi karamihan sa mga boys na nakwento ko na dati. At for some reason, napaka-fluent na sa salitang bading ng mga boyfriends ko, as in kung hindi ko sila siguro kilala matagal na, iisipin kong bading sila. Hahaha. Madami akong natutunang salitang bading kagabi pero sa susunod na lang 'yung entry tungkol doon, balak kong mag-post ng mini dictionary ng mga natutunan kong salita. Haha. Masaya naman hanggang mapunta na kami sa mga ex. Napag-usapan kasi na 'yung isa naming friend eh naaadik na sa Ragnarok. So, may-I-make-kwento naman ako na 'yung ex ko sa Level-Up nagtatrabaho, GM. Haha. Ngayon ko lang naman nalaman 'yun kasi tinawagan niya ako after Christmas at nagkakwentuhan kami. Hahaha. Syempre, napunta naman ang usapan sa recent ex ko. Hay nako. Peaceful na nga ang life ng lola mo, pinaalala pa. Sabi nung isa kong kaibigan na medyo close sa nanay ng ex ko na nagtatampo daw sa akin 'yung nanay ng ex ko. Sabi ko naman,
"Ha? Bakit?"
"Eh kasi hindi mo na daw siya tinetext, alam mo naman 'yun."
"Nawala kaya 'yung phone ko (sabay pakita ng phone)."
"Ay. Onga noh. Oh 'eto 'yung number, itext mo."
"Ayoko nga, ayoko na nga sana ng kahit anong connection sa kanila, masyado akong na-trauma sa anak niya. O sige, itetext ko."
"Alam mo ang dami-dami mong pagkain doon noong Christmas tsaka New Year, 'yung ref nila, may mga nakalagay, Meryl, Meryl, puro Meryl."
"Ah, sana kinain na lang nila, mapapanis lang naman 'yun. Ah, talaga? Hehe. Ayos ah. Madami talaga?"
"Oo, madami."

After that, nagkwento pa siya ng madaming madaming madami tungkol sa ex ko. Hay nako.

Namimiss siguro ako ng nanay ng ex ko kasi nagustuhan niya ‘yung gift ko sa kanya last Christmas. Hahaha. :D Kasi break na dati pa 'yung mommy ng ex ko at 'yung original niyang daddy. Ngayon, may boyfriend siya na Bob ang pangalan kaya last Christmas, niregaluhan ko siya ng Sponge Bob na pillow. Hahaha. Hay nako, Tina-try ko na lang talagang huwag isipin 'yung mga bad things na nagyari before. Ok lang sana kung simpleng break-up lang 'yung nangyari kaya lang di ba nauwi pa sa threats and blackmails. Bongga talaga.

---

Naalala ko tuloy si Lykes at Evard, mga ka-group ko sa duty.
Lykes: Namimiss ko na ligawan. Ikaw, Meryl hindi mo namimiss?
Me: Ako? Hindi pa naman, siguro after a year. Haha. Alam mo naman, di ba?
Lykes: Ay, oo nga pala.
Evard: Ako din, namimiss ko na manligaw, kaya nga nililigawan ko si Con-Con araw-araw eh.

Ang sweet ni Evard, noh? Gelrpren niya si ConCon. :)

---

Photobucket

'Eto na ang pinaka-hot na picture na nakuha ko sa Friendster ni Papa JP. So, cheers Papa JP. Belated happy birthday! :D

8 comments:

leeflailmarch said...

Nawiwindang (uy, ginamit) na'ko sa kabadingan mo! Ano ang "ekes, lanak"!!!???

Nakakatawa talaga lagi ang mga dialogues between you and your friends ha (come to think of it, between you and kahit sino pala). Natawa ako dun sa masilya. Weird naman nung friend mo, 'di alam anu ang masilya. Hahaha!

May wrongs ispeling ka muli! Paragraph six (parenthesized first paragraph included in the count), last word.

Nagka-boyfriend ka na GM sa RO?!?!?! Huwaw... Andami ko na talagang hindi nalalaman sa'yo...

...

At...

Nakow naman si koya, bakit naman naka-todo-inhale sa pichur???

leeflailmarch said...

(By "inhale" I meant "stomach in")

(Hehe.)

Meryl Ann Dulce said...

Ano ba kawti? Magi naman ekes eh, exes. Exes, mga ex. Hahaha. :D Lanak is bading.

So, come to think of it (haha), ako lang talaga ang master mind kaya ka natatawa? Hmpft. Ano ko clown?? :D

Oh no, Myk. I think you should really seek medical help. Nakaka-alarm na ito oh -
"May wrongs ispeling ka muli! Paragraph six (parenthesized first paragraph included in the count), last word." Oh, no. OC to the highest leveling na kawti.

Actually, noong boyfriend ko siya ay student din siya sa DLSU, tapos syempre ngayon lang siya naging GM. Nakow, kung dati pa GM 'yun eh di mayaman na sana ako sa RO. Hahaha. Tinanong nga ako kung nag-RO pa daw ako, sabi ko hindi na, matagal na. Pero syempre deep inside gusto ko sabihing, balak ko sana maggawa ulit ng account, bigyan mo ko ng gamit. Hahaha. :D Dalawa pa lang naman ang nagiging boypren ko. Hindi mo kailangan ma-alarm. Hahaha. :D

Tsaka hindi ako masyado nag-ispluk pagdating sa identity ng mga likin kiz. Mahirap na, baka majulie andrews ang lola mo. :D

---

Hahaha. Si Papa JP. Hahaha.
Istomak in, tyest awt. :P

Anonymous said...

nampotek, bading!

kala ko kanal!!

ha hahaha... ano ba naman itetch!


:))
nagraragna ako ngayun,, valkyrie kasi libre

ako, hindi ako nanliligaw, hindi rin nililigawan.. paano kaya yun/.

Meryl Ann Dulce said...

Hahaha, di ko naisip na pwedeng kanal. Mahusay. Hahaha.

Bakit libre??

Hmm, di ko alam ang tawag doon eh. :)

leeflailmarch said...

Mali nga din eh. OC-OC pa ako eh 'yung second word naman sa paragraph na 'yun mali ("May wrongs"). Hahaha!

Magi? Ispluk? Likin? Anu sila? Even through context clues hindi ko ma-figure out. 'Yung julie andrews gets ko kasi naririnig ko na sa lecturers na bading doon sa review center ko dati.

Hahaha! Balak mo pala magpaka user-friendly (ano ang gay lingo translation nito? hehehe.) sa kanya ha. Hehehe. Sana dinamay mo'ko. Kaya lang baka naadik na tayo ng todo nun kasi provided ang lahat ng needs natin in-game.

Meryl Ann Dulce said...

Magi? Ispluk? Likin?

Huwag. Chika. Lalaki.

---

Hindi naman user-friendly-ness 'yun. Tinanong niya kaya ako kung naglalaro pa daw ako. Hehe. :P

leeflailmarch said...

Haha. Joke lang ha. Baka na-offend ka. :P

Okay, na-enlighten na'ko sa gay lingo na ginamit mo.