Sunday, January 20, 2008

Forgetful Lucy.

Mare 1: Mare, napakamakakalimutin ko na talaga. Minsan, nasa hagdanan ako, hindi ko alam kung aakyat ba ako o bababa.
Mare 2: Buti na lang hindi ako ganyan. Huwag naman sana (with matching knock on wood, three times).
(pause)
Mare 2: Ay, wait lang mare ha. Parang may kumatok, titingnan ko lang.

---

Haha. Hay nako. Huwag naman sana ako matulad dito sa magkumareng ito. Pero, hindi naman ako lumalayo sa ideya na maaaring mangyari sa akin ito. Kaya nga ba lagi ako nagba-blog kahit maliliit na detalye lamang. Ewan ko ba, may feeling akong pagtanda ko ay magkaka-Alzheimer's ako. Tapos tuwing nagmumuni-muni ako (madalas kong gawin 'to), naiisip ko 'yung scene na matanda na ako ala-The Notebook, tapos maaalala ko na for a while na may Alzheimer's nga ako at papakitaan ako ng mga anak ko ng laptop tapos bibisitahin namin ang blog ko at babasahin para maalala ko 'yung past ko. Sabihin niyo nang corny/weird/insane pero naiiisip ko talaga 'yan.

Corny.

Weird.

Insane.

Alam ko. Hmpft.

4 comments:

Anonymous said...

hahahaha, I used to tell this joke to my friends, as in nagboboses "matandang babae" pa ako at may ka-dialogue akong isa pang baklush...tawa sila ng tawa

Meryl Ann Dulce said...

Hahaha. I can't imagine you doing that. :P

Ikaw, hindi mo man lang ako niyaya mag-Starbucks. Hmpft. Sige, ingat ka! Hehe, parang nasa YM pa din ha. :)

leeflailmarch said...

Haha. I like that joke ha.

Ui, naiisip mo talaga 'yan? Natawa ako ha with the part na papakitaan ka ng lappie ng mga anak mo at magbabasa ka ng blog mo. Hahaha. Let's hope Blogger stays as intact as this forever.

Meryl Ann Dulce said...

Hmpft. Minsan kahit hindi nako nagjo-joke akala niyo joke pa din. Hahaha. Nag-drama. Oo, seriously, naiisip ko. Weird, noh? Naisip ko laptop kasi kapag lola na ko siguro pinaka-basic na 'yung laptop, just like how desktop computers are today.

Yeah, I hope so.