Friday, January 18, 2008

Kaadikan.

Noong isang araw, walang magawa sa room, tamad na tamad kaming lahat hanggang may kumalat na papel na naglalaman nito:

Photobucket

Si Xiao (lagi na lang) ang gumawa niyan. Si Sir Diana naman ang guro namin ng mga panahong 'yun. Haha. Behaved ako n'yan. Wala kasi akong boses, paos ako kaya 5 sticks lang ang score ko. :) Sabi nga ng katabi ko sa upuan sa mga kausap niya, "Isipin mo nga kung gaano kadaldal si Meryl. Wala nang boses, magsusulat pa sa papel para lang dumaldal, kukulbitin pa ko." I can't help it eh. :P

May nakasulat pa sa likod ng papel na 'yan, mga "standing." :) Pinakamadaming points na naman 'yung prof. namin. Haha.

---

May ginawa na naman kaming mga PPG. Heto:

Photobucket

Hindi niyo sigurado mababasa pero may note d'yan, nakalagay:

Niño,
We miss you. Ingat pag-uwi.
Love,
PPG + Horges

Sweet namin, noh? Kung hindi clear sa inyo kung ano 'yan, mga McDo oney 'yan na ikinalat namin sa kotse.

Gabi na noong itext ako ng may-ari ng kotse...
Niño: Mga bwisit kayong PPG ha? Ano ginawa niyo sa kotse ko, ginawa niyong parang pang-parada! Hehehe. Namimiss niyo lang ako! Sige na, miss you, too na! Hehehe.
Me: Huli ka! Gabing gabi na! Sino babae mo? Hahaha! Ano bang duty sa community 'yan? Overnight?? Hahaha!
Niño: Hehehe. Nakatulog kasi ako kaya late nako nagising. Kasama ko pa Horges.
Me: Hehehe. Hoy! Ang balak ko lang talaga, ilagay 'yung sobre ng McDo d'yan, si Horges nakaisip na ikalat 'yan, promise.
Niño: Hehehe. Ok lang naman.

Ano ba 'yan, natapos na lang sa hehehe. Walang kwenta. :P

---

Pasensya na kung hindi ako madalas bumisita at mag-post ng entry ngayon, busy na kasi sa school (come on). Hahaha. Well, pwede naman akong hindi magpaka-busy kaya lang, madalas kasi pag-uwi ko ay gamit ng kapatid ko ang computer, gumagawa siya ng thesis tungkol yata sa epekto ng shabu sa mga ipis. Ewan, di ko maalala 'yun title. :P

---

I-check na lamang ang aking Multiply para sa kumpletong photo album. :)

14 comments:

Anonymous said...

kaya ka pala napagkakamalang bakla kase madaldal ka.. natural naman yun sa mga babae kase dalawa ang mouth nila.. hahaha.. =)

ako na naman nauna dito sa comment box.. tsk tsk tsk... MERYL ANG BAKLANG ADIK!

Meryl Ann Dulce said...

Oo, imagine, katunog ko 'yung tawa ng kaklase kong lalake. Hahaha. Pero okay na ang boses ko ngayon. :) Bleh!

Tapos narinig pa noong isang friend ko, si Mark, sabi niya, "Hoy Meryl, narinig ko si Kerwin sabi niya, 'Sino ba 'yung nagsasalita, akala ko lalaki.'" Hahaha. Ganoon ka-sobra, may times pa na boses dwende ako sa sobrang hina ng boses ko. Ewan ko ba.

Bakla, duwende, lalaki, madaming msasamang elemento sa buhay ko ngayong linggong ito. Isa ka na dun!! Hmpft.

"MERYL ANG BAKLANG ADIK" - Thank you dito. Hahaha. :P

Anonymous said...

wakokok, ang kult naman nung "noisy list" cguro walang magawa yung taong gumagawa nyan, super-bored sa office, hahaha.

sayang naman yung mcdo money, ginawa nyong scratch paper or post-its, hehehe. pero sweet naman magiwan ng notes na ganun sa windshield ng car, problema lang nya panu linisin later.....hahaha

Meryl Ann Dulce said...

Hindi lang sa windshield, pati na din sa antenna (ng radio), sa gas, sa plate number. Hahaha. :)

I-check mo kasi 'yung Multiply. :P

Anonymous said...

laru ba yung istik-istik???

-plue

Meryl Ann Dulce said...

Plue, hindi. Haha. Well, kaya ko nasabing "score" kasi wala akong maisip na ibang term. Haha.

Naisip ko lang kasi na mas madami sana akong score kung may boses ako nung araw na 'yun. Hahaha. :)

Bulaang Katotohanan said...
This comment has been removed by the author.
Bulaang Katotohanan said...

si brother jomer diana ba yung pinakamaingay?

leeflailmarch said...

Ang kulit niyo talaga. Score-an ba ang prof na noisy at standing. Kinda reminded me of my bros in church. Hahaha. Ganyan din sila kakulit sa campus.

At kumusta naman ang McMoney! Hahaha! Ang sweet ha! *Got an idea from Meryl on how to pester friends, LOL*

Meryl Ann Dulce said...

@BULAANG KATOTOHANAN: Oh no! Kilala mo si Sir Diana? Naku, lagot ako. Hehehe. Oo, siya ang pinaka-noisy kasi syempre siya ang nagdi-discuss. :) Hehehe.

@MYK: The law exempts no one. :) Hahaha!

Oo, super sweet kaya, try mo minsan. Nakita mo na 'yung pics sa Multi?? Madami pa 'yan. Hahaha. :) It's not pestering, it's more of "caring." :P

leeflailmarch said...

Ahohoho!

'Yun lang.

Adik.

Meryl Ann Dulce said...

Ahohoho.

Tama na ang comment dito. :)

Bulaang Katotohanan said...

si brother diana ang tanging tao(?) na nakita ko na nagpasa sa holy spirit (invisible/non-existent)ng bola sa isang exhibition game ng basketball. hindi sinalo ni lord ang bola.

Meryl Ann Dulce said...

When did that happen? Haha.

Baka busy si Lord noong time na 'yun. Walang time makipag-basketball. Hindi naman kasi yata nagpa-appointment si Sir Diana. Sayang.

Weird siya, no? Pareho ba tayo ng school? :D