Tuesday, January 01, 2008

Let's celebrate. It's 2008.

Uy, rhyming. Haha. Wala naman talaga akong balak mag-post ng bagong entry ngayon kasi wala naman talaga akong sasabihin plus hindi pa din ako makapag-upload ng pictures. Oh Well. Eh bakit ako may entry ngayon? Tatlo ang rason.

Una. Hindi ko talaga balak bisitahin ang blog ko ngayong araw na ito kasi wala naman nga akong isusulat. Kaya, Multiply ang inatupag ko. Aba. Mayroong 20+ posts ang mga contacts ko doon at karamihan ng mga ‘yun may kinalaman sa new year. This must be a sign.

Pangalawa. Ka-chat ko sa YM ang mga blogger ding sina Duroy, Kingdaddyrich, at Mariano. Hmm. Puro boys. Lalaki din naman ako. Walang pakialaman. Wala naman masyadong kwento tungkol sa kanila. Naalala ko lang na nag-iwan nga pala ng message si Duroy sa tagboard ko at sabi niya abangan ko daw ang year-end report niya. So, tinanong ko kung tapos na ‘yun. Sabi niya kahapon pa daw. Onga naman, year-end report so kahapon talaga dapat siya. Toink. So binasa ko ‘yun. Tapos binisita ko na din ‘yung ibang blogs at lahat sila may entry na may kinalaman sa bagong taon o sa nakaraang taon. Oh no. Ako lang ba ang hindi nakaisip na maghanda ng isang entry para sa taong ito. Sana hindi. It is a sign.

Pangatlo. Kanina may pangatlo pero nalimutan ko na. Haha. Lagi na ang akong ganoon. Madalas ako makalimot. Minsan pupunta ako sa kwarto ko para may kunin, pagdating ko, nalilimutan ko na kung ano nga ba ‘yung kukunin ko. Kapag nagkukwentuhan kami ng kapatid ko, madalas niyang sabihin ang, “Ano ka ba, nalimutan mo na naman?” May mild anterograde amnesia yata ako. Mali yata. Well, ako lang naman ang nag-diagnose noon. Haha.

---

Busy ako ngayon sa pagbabasa. Oo, nagbabasa naman ako. Haha. Bumili ako ng tatlong libro ngayong Christmas break. Mitch Albom’s Tuesdays with Morrie; The Valkyries, at The Devil and Miss Prym pareho ni Paulo Coelho. Tapos ko na basahin ‘yung Tuesdays with Morrie at The Valkyries pero hindi ako maggagawa ng book review kasi hindi naman ako magaling doon. Ayoko pang basahin ‘yung The Devil and Miss Prym kasi kapag natapos ko na basahin ‘yun wala na naman akong gagawin ang magtutulog na naman ako buong araw. Haha.

So, Happy new year sa inyo. :)

---

'Yung pangatlo pala naalala ko na. Sabi ng mga matatanda, kailangan daw kapag New Year's eve, madami kang pera sa bulsa mo para buong taon kang madaming pera. Walang sense. Haha. Pero kaya ko din pala naisipan maggawa ng entry kasi unang araw ng taon ngayon, at kailangan may entry ako kung hindi, isang buong taong walang laman 'yung blog ko. Haha. Wow, pare. Ang lalim.

9 comments:

leeflailmarch said...

A BLESSED AND JOYFUL NEW YEAR TO YOU!

Aba, aba, pareho tayong may [insert Meryl's diagnosis here]. Ganyan din ako. Huhuhu. Sad, 'no?

Wow, ang astig ng reasons mo for making a post ha. Pero nasaan ang summary-ish mo of the year 2007? :P

FerBert said...

happy new year!

Anonymous said...

happy new year, merryl! Masaya yung The Devil and Ms Prym. I enjoyed reading that. Maganda yan to start the new year.

thanks for being part of my 2007!

Anonymous said...

happy new year din sa iyo
para sa 2009!
wohoo
:)

Meryl Ann Dulce said...

@MYK: Same to you. :)

Talaga may mild anterograde amnesia ka din? Pauso natin 'yun. Haha. Well, imbento ko lang naman 'yung diagnosis na 'yun kasi inability to form new memories 'yun after mag-undergo ng brain sa isang injury o trauma. Considered kayang injury/trauma sa brain ang oversleeping? Baka dun ko nakuha 'yun. Yikes! Hahaha. :D

Walang summary-ish. Tamad akong bata. Period. :)

@FER BERT: Haha. Talagang sa comments pa ah. Happy new year din. :)

@AYEL: Oo, natapos ko na nga basahin. Maganda 'yung story, no? Hindi ako nakatiis eh, kaya binasa ko na. Hehe. :)

Thanks for being a part of my 2007, too. :) And, I'll be glad to be a part of your 2008, Sir. :)

@XIENAHGIRL: Salamat ng marami. Woohoo! Para sa 2009. Cheers!

Nagiging bonggang bongga na ba ang 2008 mo? Hahaha. :D

leeflailmarch said...

Starting a personal library rin? Ako I wanna make a stamp na eh "Ex libris John Michael E. Faller" kasi dumadami na rin ang books ko. Ngayon ko nae-enjoy ang reading.

Meryl Ann Dulce said...

Talaga? Ano-anong mga books mo? Wala lang, para next time na maisipan ko bumili ng libro, ita-try ko 'yung mga binabasa mo. Hehe.

Bumili ka na ng The Giver ni Lois Lowry at ng The Little Prince ni Antoine de Saint Exupery. Hehe. At lahat ng Pulo Coelho books.

At... 'yung Tuesdays with Morrie ni Mitch Albom. Maganda. 'Yun ang unahin mo. Haha. Promise, maganda. I think magugustuhan mo siya. :D

Anonymous said...

wow, a book reader....very interesting.....nakaka-enrich ng vocabulary yan at nakaktulong i-improve ang writing skills mo.....continue doing that......lotsa luck this year, meryl!!!

Meryl Ann Dulce said...

Thanks, Reigh. Haha. Lotsa luck. :)

God bless you!

Promise, manonood ako ng PBB Big Night. Haha. Na-miss ko kasi 'yung appearance mo dati. Haha.