Friday, January 25, 2008

Spines.

Napaka-impulsive ko yata ngayon sa pagbili ng libro. Noong una, binili ko ang Tuesdays with Morrie kasi hindi available 'yung The Five People You Meet In Heaven. At sabi din ng classmate ko na si Nella noong hinihiram ko 'yung copy niya (ng The Five People You Meet In Heaven), 'yung Tuesdays with Morrie daw muna basahin ko. Well, pareho ng author, so, binili ko siya.

Tapos pagbalik ko at wala pa din, naisipan ko naman maghanap ng Eleven Minutes ni Paulo Coelho, hindi din available. I ended up buying The Devil and Miss Prym at The Valkyries.

Ngayon naman, wala akong intention na bumili ng book kaya lang nakita ko ito:

Photobucket

Movie poster yata 'tong nakuha kong picture sa web, pero ganyan din naman 'yung cover ng libro. Alam ko super old na ng librong 'to. At dati ko pa siya gustong bilihin noong napanood ko ang Serendipity tapos nawala na sa isip ko. Pero hindi ito 'yung cover niya dati, 'eto:

Photobucket

Pareho lang syempre 'yung content, at ayos lang din naman baguhin ang cover. Pero bakit ang layo ng difference ng price? P285 'yung naunang kopya (na binili ko). At 'yung isa naman ay almost P800. Binago 'yung cover kasi gagawin na siyang movie. O pinalabas na ba siya? Kasi nakalagay, "Now a Major Motion Picture." Hmm.

9 comments:

roanjean said...

Jusko lalagnatin ka jan sa librong yan hahaha grabe. Kakain jan ng lupa si Florentino due to feverish love or something. Yuhoo spoiler! XD

Meryl Ann Dulce said...

Anak ng tipaklong kang bata ka! Hahaha. :P Ispoyler. Hindi ko pa nasisimulan basahin, baka bukas. :)

FerBert said...

pagkatapos ng 5 people you meet in heaven sunod mo yung FOR ONE MORE CHANCE ni Mitch Albom din. o kaya 500 people you meet in hell ni jessica zafra..

Anonymous said...

bakit hindi mo itry bumili at magbasa ng pilipino authored filipino books (novels)

wala lang


he hehe.. aktibo ka sa pagboblog ah. dami konang namimiss dito ng hindi ko namamalayan.

nga pala, bakit hindi ka na nag tetext,, kung kailan nakasun ka chaka ka hindi nagtext..

Meryl Ann Dulce said...

@FER BERT: Waw naman, pare. Nung nakita ko sa mail na may comment galing sa'yo, akala ko kalokohan na naman. I was wrong. :)

Oo nga, For One More Chance. Laging nagpaparamdam sa'kin 'yung book na 'yan. Haha. I mean lagi ko siya nakikita. Nate-tempt na nga ako bilihin siya eh, pero yung The Five People You Meet In Heaven muna. :) Salamat sa suggestion. :P Nakakapanibago ka.

Hoy, di ba dati noong magkausap tayo sa YM, sabi mo i-add mo ko sa Multiply... Ikaw ba si?? Sa YM na nga lang, baka mabuko ang identity mo eh. :P

@KINGDADDYRICH: Kumpleto ako ng books ni Bob Ong. Pero aside from that, wala na. May suggestion ka ba?

Onga, magbasa ka ng madaming madami dito. :) Oo, sorry-ness naman. Kasi hindi ko pa naloloadan 'yung Sun sim ko simula nung na-expire 'yung 2 days unlimited call/text. Hehe. Itetext na lang kita gamit 'yung Globe. Hehe. :P Ayos ba?

leeflailmarch said...

Mas gusto ko 'yung mga original covers kapag na-turn na 'yung book into a movie. Or basta hindi 'yung cover na movie poster. Wala lang.

Malamang it's now a major motion picture, kasi it says "Now a Major Motion Picture." :P Hehehe. Peace.

Compulsive book buyer! Pareho tayo. Ahohohoho!!!

Meryl Ann Dulce said...

Oo, ayoko nga din nung may mga nakalagay na na "Now a Major Motion Picture." Kaya lang ang laki kasi ng price difference, so 'yung mas mura na lang binili ko. :)

Anonymous said...

one word - comercialism. pangit yung movie adaptation niyan, di ko nagustuham although magaling si javier bardem bilang florentino.

sa filipino books heto ang basahin mo:

banyaga - charlson ong (mas maganda pa ang nobelang ito kaysa mano po)
antyng-antyng - uro dela cruz (yung direktor ng bubble gang nagsulat)
empire of memory - eric gamalinda
the great phillipine jungle energy cafe - alfred yuson
tutubi-tutubi, wag pahuhuli sa mamang salbahe - jun cruz reyes
(h)istoryador(a) - vim nadera
sa sandali ng mga mata - alvin yapan
hunyango sa bato - abdon balde jr
my sad republic - eric gamalinda
etsa-puwera - jun cruz reyes
embrassment to riches - charlson ong
smaller and smaller circles - fh batacan
salamanca - dean alfar

Meryl Ann Dulce said...

Wow. Someone's got a library. Thanks, uhm, En! :)