Thursday, February 07, 2008

Talk and text.

Lykes: Oy, mahal pala magpa-inject ng anti-rabies, noh?
Me: Oo, bakit? Kay Charlie? Sa doggie mo?
Lykes: Loka. Sa tao. 'Yung friend ko kasi nakagat.
Me: Friend na naman. Sus.
Lykes: O sige na nga, 'yung ex-boyfriend ko.

Ay nako, hindi man lang nagpakipot. Di man lang, "Hindi friend ko lang talaga." Haha.

---

Horges: Mahal na mahal ko kayong tatlo, hindi niyo lang alam.
Me: Mahal din kita, brod. Lasing ka na, noh? Haha.
Horges: Oo. Haha.

Na-touch kaming tatlo (PPG) dito. :) Ang mga nagagawa nga naman ng alak.

---

Maricar: Saan kayo sa Valentine's?
Me: Anong kami? Wala akong boylet.
Maricar: Ay onga pala.
Me: Gusto mo kay Bong na lang. Haha.
Maricar: Oo sige. Kunyari blind date kayo ni Bong. Tapos sasama ako, tapos magpapalibre tayo.

Hmpft. Gamitin ba naman akong accessory to the crime? Magkausap kami ni Maricar habang nakahiga ako sa shoulders niya. Siya pala ang perfect seatmate sa byahe. Napakasarap matulog katabi si Maricar. Mas malambot pa siya sa unan. Mmm. :)

---

Duty ulit kami sa Fabella kahapon at mamaya. :) Si Madam Jaja ulit ang CI namin. Ang saya. :) 2:00pm - 10:00pm ang shift pero 8:00pm pa lang, uwian na. Wahu!

4 comments:

leeflailmarch said...

Ahoho! Hilarious talaga karamihan sa dialogues with you.

Natawa ako dun sa "Magkausap kami ni Maricar habang nakahiga ako sa shoulders niya." Una ko kasing na-imagine talagang NAKAHIGA ka sa BALIKAT niya, as in your whole body nakalatag sa balikat niya, gaano pa man siya ka-chubby or what. Hahaha!

Meryl Ann Dulce said...

Aba! Isusumbong kita kay Maricar ha! Sexy 'yun, akala mo. Hahaha. :P

leeflailmarch said...

Akala ko chubby. Kasi sabi mo: "Siya pala ang perfect seatmate sa byahe. Napakasarap matulog katabi si Maricar. Mas malambot pa siya sa unan. Mmm. :)"

Meryl Ann Dulce said...

Hahaha. Chubbby nga siya, I was kidding when I said "sexy." Hahaha. Tingnan mo kaya 'yung pics sa Multiply (nalimutan ko 'yung title ng album). :)