Sunday, September 09, 2007

Inuman session.

Happy Birthday, Oseng!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

[From L-R: Meryl, Raquel, at Ariane. At sa gitna, ang birthday cake ni Oseng. ;p]

Note: Sa school, ang tawag sa'ming tatlo ay Power Puff Girls (syempre ako si Bubbles). Kasi lagi kaming magkasama at ang paborito kong kulay ay blue, si Raquel naman ay green, at si Ariane ay pink. Seryoso. At sa friends namin, 'yung talagang lagi naming kasama, na may bilang na 15+, kaming tatlo lang ang babae. Hmm.

Nag
-celebrate si Oseng ng birthday niya kahapon. Saan? Sa bahay nina Niño. Sa lahat siguro ng bahay ng mga kaibigan ko, kina Niño na yata pinakamaganda mag-inom. Bakit? Malaki 'yung bahay nila. Madami silang refrigerator, at lahat 'yun, madaming laman. May hotdog, chicken fingers, bacon, at kung ano pang mga karne na makikita mo sa meat section ng isang grocery store. At kumpleto sa spices. Haha. Libre pulutan. *wink*

Para sa mga kaibigan ko na nagtataka kung bakit hindi ako nalalasing, malalaman niyo na kung bakit. Lagi n'yo na lang sinasabi na lalaki kasi ako kaya hindi ako nalalasing, mga bruha! Grr.
  • Bago dapat magsimula ang inuman, kelangan siguraduhin mo kung sino ang magtatagay. Dapat close kayo.
  • Kapag feeling mo eh may tama ka na, sabihan mo 'yung tanggero na tuwing ikalawang ikot ka na lang niya tagayan. Kung ayaw niya, babaan niya na lang 'yung tagay. Compromise ang tawag dun.
  • Kung hindi mo na talaga kaya. Be honest. Mas maganda 'yun kesa naman patago mong itatapon 'yung beer. Sayang. May mga taong gustong malasing.
So, 'yun lang ang sikreto ko kaya hindi ako nalalasing. Tsaka may mga pagkakataon na umaalis 'yung nagtatagay eh ako ang pinagtatagay niya, kontrolado ko ngayon kung sino ang malalasing at sino ang hindi (evil laugh). Hindi ko alam kung bakit pero laging ganun kapag umaalis 'yung tanggero, "Mhe, ikaw muna magtagay ha, saglit lang." Siguro, for the same reason na lalaki ang tingin nila sa'kin. Grr.

'Eto ako at si
Ariane bago magsimula 'yung inuman.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Nung nag-iinuman na.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

At pagkatapos ng inuman.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Haha. Syempre joke lang.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Happy birthday ulit, Oseng!. Sa Friday ulit, birthday celebration naman ni Raquel. Wee. Occasional drinker lang ako, pero patay 'pag September, madaming occasion. Haha.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

"Ayoko na mag-inom," ang
famous line ko pagkatapos ng inuman.

---

Hoy, Papa Jp, hindi porket pogi ka, eh pwede mo na kaming paasahin. Bakit hindi ka pumunta? Ha? Pupunta daw, pupunta daw, ewan!

---

I'm dressed all in blue and I'm remembering you.
And the dress you wore when you broke my heart.
I'm depressed upstairs and I'm remembering where
And when and how and why'd you have to go so far.

And I'm gonna be lonely for the rest of my life
Unless you come around.
So come around...

- Come Around, Rhett Miller

3 comments:

Anonymous said...

wow, red horse!!! lakas ng tama...hehehe.

Meryl Ann Dulce said...

Ito ang tama! Hahaha! Hmm. Madami naman kami, kaya okay lang. Salamat sa pag-comment. ;P

Maria said...

"Ayoko na mag-inom," ang famous line ko pagkatapos ng inuman.

-hay.. i bet lasing ka na...