Sunday, September 02, 2007

SMS.

Gary: Meryl, baon ka ng mango juice.
Me: O sige, dadalhan kita bukas. Promise.
Gary: Sige. Ano gusto mo dalhin ko na bread? Nagdodorm na kasi ako. Dun ako bibili sa bakery malapit sa school.
Meryl: Spanish bread. ;p Dala ka ha.
Gary: Meryl. Huwag mo muna ipapatikim 'yung mango juice sa iba. Ako dapat mauna. Okay.
Me: O sige. sa 'yo 'yun. Ikaw bahala kung sino gusto mong bigyan.

(And by saying iba, he meant that even I was not allowed to drink from that mango juice I was supposed to bring.)

Raymond: Magdadala ba ng OB bag bukas?
Me: Oo, dala ka. Hindi pa kasi natin kilala yung CI (clinical instructor), baka mahigpit 'yun. Dala ka din ng pagkain. ;p
Raymond: Hindi ako magdadala ng pagkain, pwede naman ako manghingi sa 'yo di ba? Hehe.
Me: O siya sige. Dadamihan ko 'yung pagkain, dadalhan na din kita ng kutsara't tinidor. Kafal.
Raymond: Para kang bago ng bago. 'Yung mga artista ba pag may shooting hindi naman sila nagdadala ng pagkain. 'Yung staff na bahala sakin.
Meryl: Fine. So, naging PA pa pala ko ngayon?! Upakan kaya kita dyan.
Raymond: Tsaka 'yung mango juice ni Gary Bleza, wag mo kalimutan.
Me: Masusunod po kamahalan.
Raymond: Salamat alipin.

Kapag ganyan ang mga ka-group mo sa RLE, parang mas gusto ko pa yatang umabsent at mag make-up duty na lang mag-isa. Grr.

8 comments:

leeflailmarch said...

LOL. Ang kulit ah. Akala ko naman usapang BF/GF 'yung sa unang conversation. :P

Hahaha. Ang kulit.

Meryl Ann Dulce said...

Haha. Sabi na online ka eh. True to life, kanina lang yan. Nakahiga na nga ako kanina eh. Naisipan ko mag-post sa blog about dun. Hehe. Adik nga ako.

chixstix said...

wahahaha. adik ka meryl... tawa ako ng tawa...

Nutty Boy said...

"HOY ALIPIN, AYAN, NAGCOMMENT AKO" hahaha. langya, ginawa kang PA!? hahaha! pambihira naman mga kagrupo mo...hehe

Meryl Ann Dulce said...

Hmm. Parang napapaisip na ko kung adik nga ba ako o hindi. Pangalawa na si Lykes na tumawag saking adik. Hmm. Adik ka ba Meryl?

Grr. Nutty, salamat sa pag-comment, kamahalan. Hahaha! ;p

Honga. Napakabait na mga ka-group. Pero in fairness, dinalhan naman talaga ako ni Gary ng spanish bread. Tapos si Raymond naman mukhang nasarapan naman siya sa baon kong ulam (menudo), kasi pati yung natirang sabaw kinain niya pa din. Sinisimot pa niya. Mukhang kulang sa kanya yung baon ko. Dapat siguro hindi na lang ako kumain at binigay ko lahat sa kanya yung baon ko. Naghating kapatid kasi kami.

Bukas pinagdadala ulit nila ako ng pagkain. Tapos ang request naman ni Gary eh pineapple juice. Grr.

leeflailmarch said...

Aba. Demanding talaga. Alipin ka ba nila? Hahaha! Psst, 'wag padala masyado ha.

Meryl Ann Dulce said...

What do you mean "'wag padala masyado?" Okay lang 'yun. Ganun talaga 'yung bonding naming groupmates. Hehe. Food trip tsaka kwentuhan. Tsaka lahat naman kami nagbabaon talaga ng food. ;p Thanks, anyway. Salamat sa pagtext kanina. Haha! Malay mo i-feature din kita dito. Hehe.

Maria said...

wow.. ang bait mo namang ka-grpmate sana naging ka-grpmate kita joke!

akla ko pagdadalhin ka pa ng OB bag eh

uu, rle days din namin yan lalo na sa community haha food trip.kala mo my fiesta eh.haha