Wednesday, January 09, 2008

Byonda.

Nagiging parang drama series na ang mga entries dito sa blog ko ah. At pabading ng pabading ang mga title. Okay, okay. So, as promised, narito na nga ang blog entry ko tungkol sa duty namin sa Fabella. Kanina ang last day namin doon, two days lang kasi kami tapos dito na lang ulit sa Cavite 'yung remaing days for this week.

9 kami sa grupo tapos hindi namin nakasama 'yung isang original na kagrupo namin dahil nagkamali 'yung naisubmit na form, ibang classmate namin 'yung nailagay. Well, siguro ngayon kilala niyo na siya kasi naikukwento ko na din naman siya dati. Ang maswerteng kagrupo namin na napahiwalay sa amin ay si... Xiao. Hehe.

Front ko lang talaga 'yung reason na mabait 'yung CI namin kaya ako gagawa ng entry, sa totoo lang, gusto ko lang talaga inggitin si Xiao. So, Xiao, para sa'yo ang entry na ito. At sana hindi ka maka-move on sa pagkahiwalay mo sa grupo namin. Bwahahaha!

Pagdating namin doon, hindi namin alam kung sino ang CI namin kasi hindi galing sa school namin 'yung CI, staff siya ng Fabella. Sabi sa amin noong isang staff, "Hintayin ninyo 'yung CI niyo, si Ma'am Jaja." (Jaja pala siya, hindi Cha Cha.) Okay, so we we're expecting na girlash ang CI namin. Well, girlash naman siya talaga.

Nagpakilala siya sa amin, sabi niya: "Hi, I'm (Insert kahit anong panlalaking name here), pero you can call me Ma’am Jaja, Madam Jaja, or Madam. Oh di ba? Okay, mag-quiz tayo." 'Yan ang unang lines niya. Haha.

Masaya naman kasama si Madam. Kahit bading siya, magaling siyang CI, hindi ako inaantok (ewan ko lang sa mga kagrupo ko) kasi madami kaming ginagawa, lagi may kwentuhan. May takutan sessions pa. Haha. Kaya, naisipan naming itext si Xiao para kumustahin/inggitin siya.

[Merong mga parts sa SMS conversation na ito na tinanggal ko kasi may halong kamalditahan.]

Meryl: Xiao, ok lang pala na wala ka. Di ka naman pala kakulangan.
Xiao: Sino nagsabi sa inyo, eh ako pinakasexy sa group natin! Ok lang, bukas magtatanim naman ako sa Sitio.* Hmpft! Flowers pa! Hmpft!
Meryl: Yuck. Magtatanim. Haha. Ano namang trip 'yan? Haha. Ay nako, hindi ka makaka-move on sa pagkawala namin. Haha.
Xiao: Sa totoo lang, naka-move on na ako kasi nakahanap na ako ng mga kasing-sexy ko sa Group 1, si Ariane at Crizelda. Grabe, we're so hot as in dyosang-dyosa kami lalo na pag (bleep).
Meryl: Haha. Laitera ka talaga!
Xiao: Nagsalita. Hehe. Tapos inookray namin ang fashion statement ni (bleep). Diyan na nga kayo mag-beauty sleep muna ako in preparation for tomorrow. Ingat.
Meryl: Haha. Ge, sweet dreams!

* Ang Sitio ay pangalan ng community area na pinagduduty-han din namin.

Tapos kahapon, nag-post siya ng album sa Multiply kasama ang mga bagong kagrupo niya. Haha. Bitter talaga siya. :D Xiao, 'eto ang picture namin at kitang-kita mo naman, super saya namin kahit wala ka.

Photobucket

Haha. Sana nag-send na lang ako ng e-mail kay Xiao, para kasing para sa kanya lang talaga ang entry na ito. :D

10 comments:

Anonymous said...

fabella manila?

jan ako pinanganak. sa fabella. anjan ka na pala sa malapit hindi mo sinsabi, eh di sana nagkita tayu. tsk tsk tsk

Meryl Ann Dulce said...

Oo, doon nga.

Hmm. Hindi kasi ako sanay sa biglaang meet-ups, usually nagpapa-schedule muna sa secretary ko tapos kapag inapprove ko, tsaka lang pwede makipag-meet. Hahaha.

Eh paano, hindi ka nagbabasa lagi ng blog ko kaya hindi mo tuloy alam. Hehehe.

Anonymous said...

si kingdaddy nambababae
hahaha
bolero yan meryl wag ka maniwala siyan

well madaming bading
at astang bading ngayon
masaya yan

i miss those times
:)

Meryl Ann Dulce said...

Haha. Onga, Xienah. :D

Mag-aral ka ulit. Hahaha. :D

leeflailmarch said...

WRONG SPELLING ALERT!!! :P

Hahahahaha... OC si ako...

:D :D :D

Ang kulit niyo naman ni Xiao... Hahaha... Bading na bading...

Meryl Ann Dulce said...

Ay nako, wala pa 'yung nakukwento ko dito. Kapag nakasama mo si Xiao, mawiwindang ka talaga. Hahaha. :D

Mawiwindang - maloloka.

Baka kasi magtanong ka. Haha. :D

leeflailmarch said...

Alam ko naman 'yung "mawiwindang," in fairness. :P Hehe... Ayoko siya makasama. Sasakit ulo ko, I'm sure. Ikaw pa lang torture na eh. :P

Meryl Ann Dulce said...

Napaka-harsh mo naman magsalita. I have feelings, you know. Hahaha. Joke lang. :D

Hintayin mo ang next entry ko about bading words para maka-relate ka na next time. Hehehe. Mga next week siguro 'yun. :D Aww. Puro next. 'Yaan mo na. :D

leeflailmarch said...

Promises...

Gawa ka ng dictionary... :P

Meryl Ann Dulce said...

Haha. Nag-drama ka pa d'yan. Uy. Inaabangan mo 'yung dictionary ko ah. Sisimulan ko na bukas 'yung pagre-research. Hahaha. :P

Kasi 'yung friend ko na nakita mo siguro sa Multiply (Papa Jp's Birthday), basta 'yung picture na isang girl at isang boy lang, 'yung girl doon, siya 'yung maraming alam sa salitang bading. Eh, sinulat niya daw sa papel tapos di pa kami nagkikita kaya di ko pa magawa. :P