Friday, January 04, 2008

Please.

Pagkatapos ng New Year lang ako nagtanong at nagtext kung kailan ba magre-resume ang klase. Hindi ko alam kung estudyante nga ba ako. Ayoko kasing masira ang holidays ko kapag nalaman kong January 3 ang pasukan. Gusto kong mag-stick sa January 7 theory ko. At, pagkatapos ko magtext, nagwagi ako, January 7 nga. At, ang unang week namin ay duty week. Ibig sabihin, hindi ko kailangan gumising ng maaga at makinig sa boring na lectures! Woohoo!

Pero... hindi pala dapat ako magsaya. 6:00am hanggang 2:00pm ang duty ko next week. Saan? Sa Fabella. Anak ng tokwa. 4:00am aalis ng Cavite. Anong oras ako gigising, 2:00am? Utot. Nagsisimula pa lang tumulo laway ko nun, noh.

2:00am - 3:00am > Maliligo ako, magbibihis.
3:00am - 4:00am > Biyahe papuntang school.
4:00am - 6:00am > Biyahe papuntang Fabella.

Bakit kasi naimbento pa ang 6:00am-2:00pm shift. Haha. Pero okay na din in a way kasi magagamit ko ang secret talent ko.

3:00am - 3:30am > Maliligo ako, magbibihis.
3:30am - 4:00am > Biyahe papuntang school.
4:00am - 6:00am > Biyahe papuntang Fabella.

Pero, hindi ako nawawalan ng pag-asa. Alam ko may magtetext at sasabihing:

Group 2, your duty will not push through because of typhoon Chorva. Classes will resume on January 14, 2007. Take note: Group 2 lang. Pls. pass.
Hahaha. Kapag nangyari 'yun, ipapasa ko agad sa lahat ng mga classmates ko 'yung text, kahit sa mga hindi ko ka-group, para mainggit sila. Sana may magtext. Sana, sana, sana.

12 comments:

leeflailmarch said...

Aling secret talent? Maligo ng mabilis at mag-teleport???

May typhoon ba???

Meryl Ann Dulce said...

Exactly!! Hahaha. Ano nga ba 'yung ginagamit sa Ragnarok para mag-teleport? Hehe. Sorry, nalimutan ko na eh, matagal na akong nag-resign doon. Hahaha. Fly wing ba? Hindi yata. Oh well, kung ano man 'yun, madami ako noon kaya ako'y makakapagteleport. Hehehe. :)

Oo, may typhoon. Typhoon Chorva. Ganda ng name niya, noh? Hehe. Wala. Walang typhoon. :P

Anonymous said...

naaalala ko pa dati
nung hospital duty namin
may mga ganyan din
yung sa bagyo
hahaha
:P

magpapadala
ng hoax text message
ang kulit

wala bang internal rotation?
kayo mismo pipili ng shift
:)

Meryl Ann Dulce said...

Wala, hindi uso sa amin 'yun. Hehe. I wish.

Talaga? Wala pa namang nanloloko sa amin. Hehehe. :)

leeflailmarch said...

Weee! Yeah, "fly wings" and "butterfly wings," or "blue gems" (or is it "blue crystals?") if papa-teleport ka sa acolyte (at ako ang Priestess niyo dati, hahaha, I so vividly remember). ;) Hahahaha! Memoirs ng kabataan (?).

Meryl Ann Dulce said...

At... pwede ka ding magpa-warp sa Kafra, pero mahal doon eh. :D

Yeah, "priestess" kasi girlash 'yung character mo. Hahaha. Hmpft! Naalala ko pa dati noong nakapulot ako ng Yoyo card, sabi mo mura lang 'yun. 'Yun pala mahal 'yun. Hmpft! Hahaha. Magkano na kaya 'yung Yoyo card ngayon? Hehehe. :P Ay nako, mga adik.

Kabataan nga naman, oo. Hahaha.

leeflailmarch said...

Hahaha. Oo nga, mga kabataan, oo. Tsk, tsk...

Yeah. Hindi clear sa'kin 'yung memory na 'yun about sa Yoyo card (in denial!). Hehehe... Seriously, naaalala ko pero hindi clear. :P Sorry ha. Hehehe... ;) Hindi na kamahalan 'yun ngayon, for sure. Madami nang mumu cards eh. And madami nang mayayaman sa mga server (I sound so sure, ano?). Suspetsa lang. Pero aba naman kasi, malamang lang, libo-libo na ang ginagawang hanapbuhay ang paglalaro ng Ragna. Mga adik.

Mga kabataan talaga. Tsk!

Meryl Ann Dulce said...

Hahaha. Siguro kaya na-retain 'yun sa memory ko kasi first time ko makakuha ng card na somehow eh mayroong value. Hahaha. :D

Madami na ngang mayayaman. At syempre, hindi na nawawala ang pagbebenta ng itams in PhP kaya literally yumayaman talaga sila. Haha.

College days:
Dear diary,
Nag-cut kami ng class ngayon para mag-Ragnarok. Kasama ko sina Myk, Christ, Franz, (wala na ko maalala, memory gap), etc. Boys kaming lahat.

- Meryl

Meryl Ann Dulce said...

*items

Nakakapagtaka. Malayo naman ang "e" sa "a." Haha. Adik.

leeflailmarch said...

ROFL!!! "Dear diar..." "Boys kaming lahat."

Kaw talaga. :P


Napa-paranoid ka na ha. Buti naman ni-redeem mo sarili mo sa pagka-wrong spelling ng comment mo. Hehehe... :P

leeflailmarch said...

Wah! Ako din nagka-"kulang" spelling.

*diary

Hahaha... Backfire...

Meryl Ann Dulce said...

You're OC-er than me. No arguing! Bawal! Hahaha. Bakit kasi walang edit button dito sa Blogger? Mas okay talaga ang Multiply. Hahaha. :D

Okay, tama na. Bawal na mag-comment.

*checks first if all words are spelled correctly then hits the "publish your comment" button*