Thursday, February 21, 2008

Only in the Philippines. (Updated)

Specifically, sa Gen. Trias, Cavite ka lang (yata) makakakita ng mga kainan sa palengke (oo, sa palengke) na may mga Friendster account. At nag-aaway pa! Pambihira talaga. Tsk, tsk.



Kanina pagbukas ko ng Friendster, the usual: friend requests, comments, at mga pesteng App invites. Isa pa sa mga kinaiinisan ko ay ang mga flooders ng Bulletin Board. Hay nako. Sa susunod, magsuntukan na lang kayo kung gusto niyo ng away! Hahaha.

Click niyo na lang 'yung mga names nila para bisitahin ang Friendster accounts nila. Kayo na bahala magbasa. :P

---

Nagtext sa'kin si Xiao kanina:

Xiao: Neng, dito ako SM, National (Bookstore). May binili akong book para sa'yo. Nakakatawa talaga. Excited na'ko ibigay sa'yo. Haha. Nakakatawa.
Me: Waw. Ang swit mo naman! Baka naman kabastusan yan ha! Loka. Waw, na-touch naman ako. Haha.
Xiao: Tawa ako ng tawa, mag-isa pa naman ako. Nasa grocery si Mama. Baka akala ng mga tao abnormal ako. Babalutin ko muna para Belated Merry Christmas! Nyahaha.
Me: Haha. Loka. Anu ba 'yan?
Xiao: Basta! 'Eto naman. Walang ka-ele-element of surprise! Bukas nga!
Me: Ok! Fine! Labyu!

Hay nako Xiao, medyo kinakabahan ako sa book na 'yan ha. Umayos ka.

---

UPDATE
Nabanggit ko na dati na medyo bothered curious ako sa mga page views sa Friendster ko. Haha. Madami na naman siya, mas madami compared dati (97 'yung dati) at February 20 pa lang ngayon.

Photobucket

10 comments:

Mel said...

lolz solid yan may mga friendster account! haha, parang nae-excite na din ako malaman kung ano ang libro na yun ah! haha

Meryl Ann Dulce said...

Haha. Mabait ka palang bata. Sinabi ko lang sa'yo na may bago, may comment ka na agad. :P Hmm. Wala ka pa pala sa links ko. Ngayon ka lang ba napadaan dito? Add kita mamya ha. May inaasikaso lang ako sa Multiply, nagpapaka-OC sa mga albums. Haha.

Don't worry at for sure nasa next entry ko 'yung book na 'yun. Haha.

Mel said...

lagi ako dumadaan dito, usisero kasi ako eh, haha! naalala ko magingat kapala sa pag add sa akin sa friendster, spammer ako ng bulleting minsan tungkol sa mga surver survey para magpapansin haha! ako rin tamang magaayos lang muna ng mga nilabhan ko kahapon, apir!

hehe, mabait nga ako na bata kaya labs na labs ako ni mama X)

Meryl Ann Dulce said...

Pero hindi ka nagko-comment? Parang ngayon lang kita napansin. Hehe. Oh well, makakalimutin nga pala ako. :P

Okay lang 'yung mga survey basta once mo lang ipo-post, wala namang problem 'yun. Haha. Tama! Masipag ka! Haha.

Aww. I'm sure labs na labs ka nga ni mama mo. :) Inadd mo ko sa Multiply?! Haha. Ikaw nga yata 'yun.

Anonymous said...

hahaha. buti wala akong prengster account. kundi, baka iadd ko lahat sa list ko ang mga cool jologs and spammers.

mas gusto ko pa itry facebook. wala lang. anong book nga kaya yung belated gift sa'yo ni xiao?

Meryl Ann Dulce said...

Wala kang Friendster? Cool. :)

Parang complicated ang Facebook. Haha. Ang meron lang ako ay Friendster at Multiply. :)

Haha. Hindi ko nga din alam, excited na din ako. Magkikita naman kami bukas. Haha. :P

Babalitaan ko kayo.

Anonymous said...

sa Rizal particularly Cainta Rizal may kainan din sa pakengke...

nabwibwisit ako sa mga nasa bulletin board.. pwede naman sila magsend ng message o ng comment sa isat isa bat kelangan pa nilang iboradcast at sa bulletin pa talaga.. amf!

oi sabihin mo sakin kung ano yung book na yun ha? mwah!

Meryl Ann Dulce said...

...na may mga Friendster accounts? I doubt it. Hahaha. :P

Korek! Tama! Dapat hindi na naimbento ang mga Bulletin Boards. Haha.

Onga! Babalitaan ko kayo. Haha. Pero kapag hindi maganda, huwag na lang. Kinakabahan ako sa book na 'yun eh. Hahaha. :P

Pambihira, may kiss pa! Haha. Oo na, bibigyan kita ng copy ng mga files ko dito, mula Health Hx, P.A., Drug Study, lahat. Bukas or sa Sat., okay? :)

leeflailmarch said...

Ineng. Sana hindi mo na tinakpan ung eyes mo sa screenshot, eh may link ka rin naman ng Friendster profile mo. Hahaha! At alam na naman ng madla ang itsura mo. Ayan o, avatar mo. Hahaha! :D

Pero nakaka-bother/curious nga ang libu-libo mong profile views ha.

Meryl Ann Dulce said...

Haha. Naisip ko nga din 'yun. :P Hayaan mo na, andyan na eh.

Oo, nakakabother/curious nga. 201 na siya ngayon. Waaah!