Tuesday, March 11, 2008

Itnok!

Topak na naman ang mga hayskul prends ko, this morning napag-usapan namin ang Itnok. Kumain kasi kami sila ng Itnok after namin mag-inom noong reunion last March 8, 2008.

Click niyo muna ITO para sa naunang usapan namin tungkol sa WORD. Kung ayaw niyo, okay lang. Basahin niyo na lang ito...

Bryan: Gusto ko kumain nung Itnok. :'(
Sannie: Shet. Itnok na naman!
Bryan: Bakit ganun? Matagal na namang may Itnok, bakit noong Sabado ko lang nalaman na masarap pala 'yun? :(
Sannie: Minsan kasi, Bry, kung saan-saan ka tumitingin. Kung anu-ano hinahanap mo. Di mo na-realize na 'yung magandang bagay, andiyan lang pala sa tabi mo.
Bryan: Honga. Ang tagal nang nasa harap ko ng isang magandang bagay, pero hanggang tingin lang ako. :(
Sannie: Eh bakit nga wala kang ginawa? Bakit di ka gumawa ng paraan para makuha mo 'yung mgandang bagay.
Bryan: Kasi alam kong kahit anong gawin ko, di ko makukuha 'yung magandang bagay na 'yun.
Sannie: Ganun? Kaya okay ka na sa noodles na chicken or beef? Di mo na ni-try pansinin 'yun Itnok?
Me: Siguro hanggang ganun na lang talaga kayo. There's no such thing as not meant to be. You two were meant just for a while. Hayaan mo na. Let go. Just be thankful na natikman mo ang Itnok. Haaay. So Sad. Nakakaiyak naman kumain ng Itnok. :'( Eh ako nga hindi ko natikman ang Itnok eh.
Bryan: Actually, pinansin ko 'yung Itnok. Long, way way back before. Pero may may-ari kaya no choice ako. Di naman kasi akin...
Me: Hindi naman pala sa'yo eh. Hayaan mo, hahanap tayo ng Itnok para sa'yo... Eventually, makikita mo siya, Itnok na para lang sa'yo. Kelangan mo lang ng time.
Sannie: Pero kung kaya pa ipaglaban at kung posible pa, go! At least inalam mo kung hanggang saan mo kayang ipaglaban ang Itnok.
Bryan: Kakaiba yata 'yung pagkakaluto ng Itnok na 'yun, espesyal kesa sa iba kaya napakahirap kalimutan. :( Ayokong maghanap, mapapagod ako... Alam niyo namang napakatamad ko. :)
Bryan: Sinubukan kong ipaglaban ang Itnok dati.
Me: Mahirap kapag ikaw lang ang may gustong ipaglaban. Kung ayaw naman ng Itnok, wala din. Kahit ano pang pilit mo. Haaay, ang Itnok nga naman.
Bryan: Ngayon kaya, makikita na ako ng Itnok?
Sannie: Malay mo Bry, hindi naman pala talaga Itnok ang para sa'yo. Dahil mas nararapat sa'yo ang Jjampong.
Sannie: Para matagpuan ng taong nararapat sa kanya.
Bryan: Kung sa akin lang napunta ang Itnok, iluluto ko siya ng tama. di hilaw at di rin naman sobrang lambot.
Sannie: Tapos?
Bryan: Nag-Jjampong na din ako... Medyo matagal na 'yun, akala ko masaya na ko sa Jjampong, kaso nang natikman ko ulit ang Itnok... Wapaaak!
Sannie: Malay mo naman Bry, niluto din siya ng tama nung napuntahan niya.
Bryan: Siguro tama 'yung luto noong una, pero na-overcooked nitong huli...
Me: Wait lang. Mag-exam muna ko! To be continued mamya! Wait lang...
Sannie: Aww. Kawawa naman 'yung Itnok. Pero baka doon siya masaya. Kaya okay lang kahit overcooked.
Bryan: 'Yun nga eh. Mukhang doon masaya ang Itnok kahit na overcooked siya, kaya I don't see any reason para ipaglaban ang Itnok tulad ng sabi mo kanina.
Sannie: Sabagay... May point... kapag ba overcooked, wala nang pwedeng gawin para bumalik sa normal?
Bryan: Di ko alam eh, baka pwedeng tanggalin 'yung sabaw tapos ibilad sa araw at maging tuyong nudols ulit? Ewan...

11 comments:

Nutty Boy said...

ang itnok ay noodles? errr... (confused)

Meryl Ann Dulce said...

Waw. Angas ng comment ah. Hehe. Yes boss! Itnok = noodles. Pero ewan ko ba sa kanila kung noodles nga lang ba pinag-uusapan nila. :P

leeflailmarch said...

Malamang hindi lang noodles. Unless ganoon na nila kalalim tingnan ang noodles para almost i-level siya sa pananaw sa buhay. Whoa, di ba? Hahaha.

Wrong spelling: Jjamppong dapat. Umm, err, di ko rin pala sure. :P

At grabe, ibang level ka na talaga. Naalala mo lahat ng dialogue na 'yan!?!?!

Anonymous said...

"Makakatikim ka rin ng Itnok..."

parang iba ang naiisip ko sa metaphor nila ah...haha.

Pagkain din ba 'yung Jjampong/Jjamppong? :p

Meryl Ann Dulce said...

@MYK: Hehehe. Hindi nga lang noodles. May love problem kasi 'yung isa d'yan, si Sannie. Kaya 'yung mga simple things, ine-exaggerate namin. Haha.

Yeah, hindi ko alam ang spelling ng Jjamppong/Jjampong. Basta nudols! :P

Through SMS kasi 'yan, kaya detailed. Hehe.

@AYEL: Hehehe. Go go! Tumikim ka ng Itnok. Kaya lang paano kung ikaw lang naman 'yung may gusto at ayaw naman nung Itnok? Wahaha.

Anonymous said...

haha. andito rin pala to boi. layo na ng narating ah.Ü

Meryl Ann Dulce said...

Hahaha. Syempre. Naka-cross-posting ang Multiply at Blogger ko eh. Loka!!

Anonymous said...

ok ok sorry naman. foreigner lang. hahaha

Meryl Ann Dulce said...

Hahaha. Ayos lang. At talagang na-bore ka na sa Multiply at pati dito nagko-comment ka na din? Hahaha.

Anonymous said...

wala na namang bago dun. haha
na-curious lang ako anong meron dito.Ü

Meryl Ann Dulce said...

Wahaha. Oki doki. Sige lang. Tama na ang comments dito ha. Labyu.

Babush!!!