Sa Fabella hospital na naman kami assigned kanina, tsaka bukas pa pala. 6:00am - 2:00pm kami. At... 4:00am aalis ng Cavite. Naman! Hello? Sayang kaya 'yung mga laway na itutulo ko pa at 'yung mga mutang mafo-form. Tsk, tsk. Ang aga! Third time this sem na kami sa Fabella.
Since masipag na estudyante naman ako, gumising ako ng maaga at pumasok, pagdating namin ng Fabella, bakit ganoon? Parang shocked sila na nandoon kami. Haha. Sabi ni Ma'am Sheila (na naging CI na namin dati), "Nag-breakfast na ba kayo? Mag-breakfast muna kayo. Hindi ko alam kung sinong assigned sa inyo eh."
Wahahaha. Balik kami ng van, natulog, kumain, nag-coffee, nagkwentuhan. Nagkwentuhan kami ng mga movies, lahat na yata napag-usapan namin, hanggang napunta sa 300. Sumingit naman si manong driver, hehe, pinagyabang 'yung message alert tone niya, "Spartans, what's your profession? Ahoo, ahoo, ahoo!" Nakipag-payabangan naman ako kay Kuya Noel ('yung driver ng van namin), haha. Nag-bluetooth-an kami. Haha. Nako naman. Nakakatamad talaga kanina. Sayang 'yung paggising ko ng maaga.
---
Rewind, rewind.
Kahapon, Revalida/Return Demo Galore namin. Swerte ako dahil madaling procedure ang nabunot ko at sa mabait na CI pa. Perfect. After, pumunta kami kina Mark, kasi pinagluto niya kami. Tapos after ulit, dinalaw naman namin si Niño sa bahay.
---
Sayang, may get-together yata kina Niño sa Saturday, hindi ako makakasama kasi mag-reunion kami ng mga hayskul prends ko, madami kami, apat! Woohoo. :)
---
Okay, walang kwenta. Pwedeng hindi mag-comment. Haha.
Thursday, March 06, 2008
Loops.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
yan ang nakakaasar yung gigising ka ng maaga tas wala palang C.I.. sayang yung uniform, yung pera, yung oras.. sayang.. hehehe
Sayang ang laway, sayang ang muta. Tsk, tsk. :(
ha ha ha.. blutoothan na rin tayo sweety!
Post a Comment