Magkakagrupo kami sa thesis nina Ariane, Raquel, at Mark. Kung masipag kayo bumisita sa blog ko, malamang kilala niyo na sila sa sobrang dalas ko sila ikwento. Oh well, pinag-submit kami ng thesis proposal last Friday.
Last Friday
Us: Ma'am, 'eto na po 'yung proposal namin.
Dra. Ayuyao: Bakit ayos na 'yang thesis niyo?
Us: Ano pong ayos na?
Dra. Ayuyao: 'Yung format maayos na! Hindi ko pa naman kayo tinuturuan ng format ah.
Us: Tiningnan po namin 'yung ibang thesis para sa format.
Dra. Ayuyao: Hay nako, mga adelentada kayong mga estudyante.
Us: Ma'am, ano po, pwede na po ba 'yan?
Dra. Ayuyao: Hay nako. Huwag niyo ko kausapin, galit ako sa inyo.
Bumalik kami ni Raquel kahapon para magsubmit ulit ng proposal.
Yesterday
Us: Ma'am, isa-submit lang po namin 'to.
Dra. Ayuyao: Okay. *smiles*
Us: Iwan na lang po namin?
Dra. Ayuyao: Sige, iwan niyo na lang.
Pareho lang ang content ng pinasa namin. Ang pinagkaiba? Noong una, nakalagay sa bond paper, computerized, sobrang ayos ng format. Yung pangalawa, yellow pad, handwritten, syempre magulo.
Akala talaga namin hindi na kami kakausapin ni Dra. Ayuyao kasi sobrang galit siya noong Friday. Tapos ngayon, pangit-ngiti pa. Haha.
Crazy, crazy world.
---
TIP
The gulo-er, the better. Period.
Tuesday, March 04, 2008
Thesis proposal.
"Ouch!" said Meryl Ann Dulce at about 11:17 AM
Tags: Laugh Trip, Student
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
sows. hindi ka na nasanay sa dalagang un... sabihin mo kasi kay mark.. sayawan nya lang... hahaha. anu na title nyo?
Haha, ihahanap ko nga ng boyfriend 'yun eh (as if, ako nga wala, ihahanap ko pa siya)! Ilang taon na ba 'yun? 60+? Para naman maging mabait siya. 'Yun pa din title namin. Hehe.
Sayawan, sus! Baka lalo lang magalit sa amin 'yun. Haha. Weird talaga si Ma'am. Buti na lang pinansin kami, akala ko talaga susupladahan niya na naman kami, sobrang galit sa amin noong Friday eh. :D
ah kamusta naman yun?
hahaha.
magpasa ka palagi ng magulong paper worx, para maganda.
Anu ba 'yun. Mas okay nga dapat 'yun eh kasi less work for her na tuturuan pa kayo, and dapat matuwa siya sa'nyo kasi you all took the initiative to study the supposed format.
Haha! "The gulo-er, the better."
@SUPER YM: 'Yun na nga ang goal namin ngayon. Ang magpasa ng handwritten works na may pangit na penmanship. Mahusay! :)
@MYK: Ang okay ay hindi okay sa kanya. At ang hindi naman okay ay okay sa kanya.
Yeah, yeah! The gulo-er, the better! :)
naranasan ko na yan.. hahaha.. umiyak pa ung prof namin sa harap namin. kumusta naman un. tapos kahit sunday may pasok kami dahil sa thesis na yan.. mga topak talaga ang prof.. haha
Hahaha. Bakit naman umiyak? Hay nako, hindi yata iiyak 'yun prof namin na 'yun. Tibay eh!
Post a Comment