Monday, April 07, 2008

Traffic.

Hay. Wala na namang magawa.

Kaya pagkatapos magbasa ng lahat ng pwedeng basahin sa Multiply, mag-update sa Twitter, mag-ignore ng mga App Invites sa Friendster, mag-check ng Yahoo mail, Google mail, at lahat ng pwedeng i-check malabanan lang ang boredom...

Haha. Nakakaawa naman akong pakinggan. So, 'yun nga, after ko maggawa lahat ng 'yun, bored pa din ako, kaya naisipan kong i-check 'yung Analytics account ko sa Google.

Photobucket

Weird. Haha. Marunong naman siguro kayo tumingin ng graph, noh? LOL. Oh ayun, 'yung referring sites karamihan sa mga cbox ng other blogs nanggaling. Natawa ako doon sa search engines. Haha. Ano naman kamo ang ni-search nila at napunta sila sa blog ko?

Photobucket

  1. Sam YG - Pambihira naman oh! Hindi ko jowa si Sam YG, although kung bibigyan ng chance eh papayag naman ako. Walang pakipot involved. :D
  2. Thesis Proposal - Malamang naghahanap ng makokopyang thesis 'tong batang 'to. Pasensha na at hindi kita natulungan, eh kahit nga ako hindi pa tapos sa thesis ko. Tulungan pa kita?
  3. Ano ang IVF? - Ay nako. Bakit naman napadpad ka pa sa site ko? Sana ni-click mo na lang ang unang website na lumabas nung nag-search ka.
  4. Baklese - Oh no. Kumakalat na talaga ang pagkabading ko. No, no, no.
  5. Charlson Ong - Sino naman 'to? Ang kilala ko lang na Ong ay si Bob. Hmpft.
Ayan. See. May nagawa na naman ako. Haha. Exciting. After nito, wala na naman akong gagawin. Haaay.

Natuwa naman ako at medyo naging kapaki-pakinabang ang afternoon ko. Haha. Oy, kayo ha, matagal ko din ginawa 'tong entry na 'to. Ka-chat ko pa kasi 'yung mga hayskul friends ko.

Hello Cindy, Caloy, Deo. :)

---

Hmm. Starting tomorrow, medyo hindi na ako ganun kadalas makakapag-online at makakabisita sa sites niyo. Start na ulit ang classes eh. So 'yun. See you when I see you. :| Weh.

12 comments:

Anonymous said...

at hindi mo naman ako pinapansin sa ym,, hehehe

sam yg? sa magic 899 ba yan?

Meryl Ann Dulce said...

Haha. Pasensha na. :D

Yep, siya nga. Crush mo din sya? Haha. :D

Anonymous said...

hahaha
nakakaaliw talaga yang mga search results sa google
hahaha

naaalala ko
may napadpad sa site
gamit nag mga salitang
'paraan ng pagpapaganda'

anak ng tokwa
hahaha

guro pangit yun ano?
ahahaha

Dakilang Tambay said...

sam yg ng magic 899.. :)

dahil usisera ako. nagtry din ako ng google analytics.. hahaha

Meryl Ann Dulce said...

@XIENAH: Wahahaha. Malamang pangit nga, mag-search ba naman ng ganun! Wahahaha. Kung gusto niya magpaganda, si Mirrah alam 'yun! Hahaha. :D

Maganda ka daw kaya napadpad sa site mo. :P

@MIA: Yeah, hot si Sam, noh?

Sige sige, try mo din tapos post mo din. :D

leeflailmarch said...

Haha. Sapul ka pala sa current post ko about wasting time sa web eh.

Wow. Kumusta naman ang "tesis proposal"??? Hahaha... T-E-S-I-S... at ikaw ang napili niyang puntahan... at may nag-search talaga na Tagalog, "Ano ang IVF?" Hahaha! Pero totoo, ang kulit what you'll find when you look up who goes to your site, pati sa search entries...

FerBert said...

baklese? hahaha
yung dictionaryo mo?
hahahaha

Meryl Ann Dulce said...

@MYK: Yeah yeah. Sapul talaga. Nyahaha.

Natatawa nga ako nung nabasa ko 'yan eh. Haha. Ano nga ba ang IVF? At saan makakakita ng tesis proposal? Nyahaha.

@FERBERT: Hindi ko book 'yun! Bakla ako pero hindi ako author nun. Nyahaha. :P

Mel said...

andami pwede magtrapik ngeon, kahet sa pilahan sa grocery trapik pa rin! whattalayp!

Mel said...

at heto pa... dahil inggitero ako nag sign up na rin ako sa google analytics, haha apir!

Meryl Ann Dulce said...

Wahahaha. Mahusay! Magpost ka din ng mga kakaibang keywords kung bakit sila napadpad sa site mo! Hahaha. Apir!

Mel said...

will do :)